Pagpapakilala ng mga oportunidad sa pangkabuhayan at ekonomiya dahilan ng pagtakbo muli ni Nograles sa kongreso

on . Posted in Latest News

Davao City, April 5, 2013 (PBS) - Sinabi mi House Assisitant Majority Leader at Davao ist district Congressman Karlo Alexie Nograles na nais niyang maipagpatuloy ang pagpapakilala ng mga oportunidad sa pangkabuhayan at maiparanas sa taong bayan ang bunga ng pag unlad ng ekonomiya, pagbibigay ng college scholarship programs , skills trainings at paghohost ng mga jobs fairs sa Davao City.

Suportado ni Nograles ang ipinapatupad na transparensiya ng gobyerno at ang walang tigil na paglaban sa graft and corruption, na aniya makakapagpalakas sa tiwala ng mga investors sa Pilipinas na magbibigay daan upang mapalakas ang International Credit ratings ng ating bansa. Ayon kay Nograles ang susunod na hamon dito ay maibigay sa taumbayan ang mga benepisyo sa ekonomiya.

Kaugnay nito hinimok ni Nograles ang mga vigilante na maipanalo ang laban sa mga maling gawain sa Gobyerno.

Bilang first termer sa kongreso, napabilang si Nograles sa 20 most outstanding congressmen in the Philippines na pinili at ginawaran ng international super brands organization dahil sa hindi matatawarang performance sa kongreso. (Malu Tolentino/Media ng Bayan)

Hatol ng Bayan Videos