Operation Baklas, isinagawa ng Comelec at PNP

on . Posted in Latest News

PANGASINAN, Abril 12 (PBS) - Sinuyod ng pinagsamang puwersa ng Comelec at PNP-Mangaldan ang ilang barangay upang isagawa ang simultaneous Operation Baklas ngayong araw.

Lahat ng campaign materials na wala sa tamang lugar at sukat ay isa-isang tinanggal. Sa dami ng mga nabaklas na campaign posters, halos mapuno ang police car na pinaglagyan.

Kaugnay nito, pupulungin muli ng Comelec Mangaldan ang mga kandidato upang ipaalala sa kanila ang mga batas na dapat sundin.

Samantala, sa bayan naman ng Malasiqui, mismong mga kandidato na ang nagkusa na magbaklas ng kanilang mga campaign poster. Sa Dagupan City naman pinadalhan na ng notice to remove campaign materials ang mga kandidato.

Maari namang tanggalin ng isang residente ang campaign poster kung walang pahintulot na ikinabit sa kaniyang bahay o bakuran. (Media ng Bayan)

Hatol ng Bayan Videos