PNOY, ginarantiyahan na matutuloy ang eleksyon

on . Posted in Latest News

 

MANILA, Mayo 10 (PTV) - Binigyang diin muli ni Pangulong Noynoy Aquino na matutuloy ang eleksyon sa LUnes.

Sinabi ni Pnoy na wala sa kanyang hinagap na ipagpaliban ang pambansa at lokal na halalan.

Ang pahayag ng pangulo ay tugon sa mga lumutang na mga haka-haka na ang naganap na malawakang blackout sa luzon na naganap kamakailan.

Maging si Elections chief Sixto Brillantes Jr., ay ibinasura ang mga haka-hakang di matutuloy ang halalan.

Idiniin ni Brillantes na tanging Diyos lamang ang makapipigil sa nakatakdang eleksyon sa Lunes.(inq/eje-ptv/Media ng Bayan)

 

Hatol ng Bayan Videos