5 lalaki, inaresto matapos mahulihan ng matataas na kalibreng baril sa Quezon

on . Posted in Latest News

 

 

QUEZON, May 13 (PBS) - Lima katao ang inaresto noong Sabado, huling araw ng kampanya, sa San Fransisco, Quezon matapos mahulihan ng matataas na kalibreng baril, magazine, bala at balisong.

Sa ulat na ipinadala sa Quezon Provincial Police Office ng San Francisco Quezon Municipal Police Station, kinilala ang 5 nasakote na sina: Frederick Aragon, 37 taong gulang, binata, driver, residente ng Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City; Rodrigo Anyahan y delas Alas, 50, may-asawa, driver, ng Intertown Homes, Pagbilao Quezon; Melchor Navarro y Cabangon, 39, may-asawa, driver ng Mandaluyong City. Dinakip din ang local media personality na si Edmund Villanueva , 47, binata, ng Solcomville Subd, Mayao Crossing, Lucena City; at, Gregorio Lorena, 48, may-asawa, walang trabaho at residente din ng Mayao Crossing, Lucena City

Nakumpiska sa mga suspek ang isang M16 rifle na may kasamang magazine at 2 pang extra long magazine; 4 na piraso ng cal. 45 na 6 na loaded magazine; 4 na kahon ng bala ng cal. 5.56; 1 piraso ng balisong-batangas.

Ang lima ay pawang detinido ngayon sa San Francisco Quezon habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 1 ng RA 8294 at sa COMELEC Gun Ban.

Patuloy pa rin isinasagawa ang imbestigasyon kaugnay ng nasabing insidente.(Leonie Algire/Media ng Bayan)

Hatol ng Bayan Videos