VP Binay, naalarma sa pahayag ng Team PNoy na walang lulusot na kandidato ng oposisyon

on . Posted in Latest News

MANILA, Mayo 13 (PTV) - Ikinalarma ng Vice President Jejomar Binay ang naging pahayag ng Team PNoy na walang ni isang United Nationalist Alliance (UNA) candidate ang papasok sa Magic 12 at makukuha ng administrasyon ang 12–0 vote sa darating na eleksyon.

Ayon kay Binay, hindi aniya maganda ang maidudulot sakali ito ang mangyari dahil tunay na demokrasya ay may fiscalizer kung saan ang oposisyon ang siyang titingin sa mga ginagawa ng administrasyon.

Kasabay nito, hinimok ni Binay ang publiko na maging mapagmatyag at bantayan ang inyong mga boto.(EJE/PTV/Media ng Bayan)

Hatol ng Bayan Videos