Mga nanalong kandidato sa Davao del Sur, pormal ng prinoklama

on . Posted in Latest News

DAVAO CITY, May 15 (PBS) - Naproklama na martes ng gabi ang kandidato pagka alkalde at bise alkalde sa Digos City at ilang Munisipalidad ng Davao del Sur.

Sa Digos City, ayon kay Digos City Election Officer Atty. Alan Kadon, na Martes pa ng gabi ng kanilang iprinoklama Si Mayor Joseph Peñas na kakuha ng boto na 37.440 laban sa dating Gobernador ng Davao del Sur na si Douglas Cagas na nakakuha lamang ng 31, 723. Kasabay na prinoklama ang nanalong Bise alkalde nito si Reynaldo Hermosisima.

Hindi pa rin aniya na po proklama ang mga konsehal sa Digos City dahil may ilang mga bagay pa silang tinatapos ngayon.

Samantalang sa Munisipalidad ng Malalag, Davao del Sur, pormal ng prinoklama na rin kagabi Martes, ang nanalong Mayor doon na si 3rd termer Roel Paras, ang kanyang Bise Alkalde na si Anselmo Mejias, Sr at ang walo pang mga konsehal ng bayan ng Malalag, Davao del Sur.

Pormal na ring naproklama ang nanalong Alkalde ng Hagonoy, Davao del Sur na si 3rd termer na si Mayor Franco Calida, ang Bise Alkalde nitong si Myrna Raut at ang mga konsehal ng naturang Munisipalidad.

Ang nakalaban ni Calida pagka Mayor ay ang anak ng dating Kalihim ng Office of the Presidential on the Peace Process o OPAPP, Jess Dureza na si Jay Jay Dureza.(Peng Aliño/Media ng Bayan)

Hatol ng Bayan Videos